Ang Direct debit ay madali, mabilis at ligtas na paraan ng paggawa ng mga transaksyon. Sa pamamagitan ng pagrerehistro sa Direct debit, ang iyong bank account ay konektado sa GmoneyPay Account.
Kapag nagdagdag ka ng pera sa GmoneyPay Account, ang iyong Korean bank account ay awtomatikong mababawasan at ililipat sa GmoneyPay Account. Katulad din na kung nais mong magpadala ng pera ay ide-debit ito mula sa iyong bangko sa Korea at ang halaga ay awtomatikong mai-kredito sa account ng bangko na pinadalhan.
GmoneyPay Account Direct Debit Registration
- Pindutin ang Magdagdag ng Pera mula sa Main Screen
- Pindutin ang Direct Debit
- Pindutin ang Magdagdag at sundin ang mga hakbang sa ibaba
Hakbang 1: Pag-tiyak ng iyong telepono
- Mangyaring suriin ang ibinigay na mga detalye, kung ito ay hindi tugma, kailangang maitama ito.
- Piliin ang Carrier ng iyong Telepono.
- I-tsek ang “Sumang-ayon sa Lahat Ng Nasa Itaas”
- Pindutin ang “Tumanggap ng code”. Ang Verification Code ay matatanggap sa pamamagitan ng SMS.
- Pindutin ang “Confirm”.
Mahalagang paalala: Kung mayroon kang linya ng Telepono, piliin ang linya ng (SKT / KT / LGU +) at kung ang iyong telepono ay Card Phone, piliin ang (SKT / KT / LGU +) card phone. Kung pumili ka ng maling carrier ng telepono nang higit sa 5 beses, mangyaring subukang muli ito sa susunod na araw. Bago mo subukan ng 5 beses, suriin ang balanse ng iyong telepono. Kung 0 ang balanse, muling mag-load at subukang muli.
Hakbang 2: Pagrehistro ng Bank Account
- Piliin ang Iyong Korean Bank
- Ilagay ang numero ng iyong bank account
- Ilagay ang iyong unang pangalan
- Suriin ang “Sumang-ayon sa lahat ng nasa itaas”
- Pindutin ang “ARS withdrawal agreement” at maghintay ng ilang segundo
Tandaan: Tumanggap ng tawag sa ARS sa iyong telepono, ilagay sa loudspeaker mode at tiyaking tama ang lahat ng impormasyon. Kapag naririnig mo ang tunog na “beep”, pindutin ang dial-pad at ilagay ang iyong 6 na numero ng kapanganakan (unang 6 na digit ng ARC)
Suriin ang iyong email at pindutin ang “Kumpletong kasunduan sa ARS
Hakbang 3: Petty Cash
Ang petty cash ay isang random na halaga na mas mababa sa 100 won sa iyong bank account. Suriin ang iyong account para sa pinakabagong mga deposito gamit ang mobile banking o SMS banking. Ilagay ang halaga at pagkatapos ay pindutin ang “Tapos na” sa GmoneyPay App. Kung nahihirapan sa stage na ito, tawagan ang aming customer service sa 1670-4565 para sa tulong.
Hakbang 4: Paglagay muli ng numero ng debit account.
- Ilagay ang blangkong mga numero ng iyong bank account
- Pindutin ang “Tapos na”
Hakbang 5: Pag-upload ng iyong Pasaporte
- Ang screen na ito ay lumilitaw kung ang iyong account sa bangko ay nakarehistro gamit ang pasaporte, samakatuwid ay dapat na:
- Mag-upload ng larawan ng pasaporte
- Ilagay ang numero ng pasaporte
- Pindutin ang “Tapos na”
Hakbang 6: Magrehistro ng PIN Code
- Gumawa ng 6 digit na PIN code (ang mga numero ay hindi dapat ulitin o tuloy-tuloy)
- Muling ilagay ang PIN code
Mahalaga: Mangyaring tandaan ang PIN code na ito at huwag ibahagi ang PIN code sa kaninuman. Sa tuwing nais mong gawin ang huling kumpirmasyon ng transaksyon sa GmoneyPay Account, kailangan mong ilagay muli ang PIN code.
Contacts:
Official Website: https://www.gmoneytrans.com/
Official VK: https://vk.com/gmoneytrans
Official FB: https://www.facebook.com/gmoneytrans/
Support Center: 1670-4565
Business Hours of Support Center:
Every day from 10:00 to 22:00
Business Hours of Branches:
Every day from 10:00 to 20:00
Locations:
Seoul (Dongdaemun) 305-2, Jong-ro, Jongno-gu, Seoul
Ansan 2F, 17, Damunhwa-gil, Danwon-gu, Ansan-si, Gyeonggi-do
Gimhae 105, 321, Bunseong-ro, Gimhae-si, Gyeongsangnam-do